Ads by Google

SEARCH THIS BLOG

FOLLOW BY EMAIL

Pages

Saturday, October 11, 2014

For adults pa rin ang Pasko - very good reasons

Ang Pasko raw ay para sa mga bata...lamang. Na ito raw ay hindi na angkop para sa mga matatanda kundi para lamang sa mga batang paslit at mga walang muwang. Parang ang lungkot naman ng mundo kung gayon nga. Parang kulang. Kaya nga iba ang palagay ko...

Photo credit: ChristArt.com

Isa ako sa mga naniniwalang ang Pasko ay para rin naman sa ating mga matatanda. Isa ako sa mga matatandang naghihintay pa rin at nasasabik sa pagsapit ng Pasko. Naniniwala ako na ito'y hindi "exclusive for kids". Mahiram ko lang, sabi nga sa "Going Bulilit" eh - for adults ALSO.


Talagang sa mga matatanda o adults na tulad natin, ang kasiyahan sa araw ng Kapaskuhan ay hindi magsisimula at hindi natatapos sa regalo at decorations. Sa ganda ng araw na 'to, sa di pangkaraniwang pagkakataon ay napagbubuklod nito ang mga pamilya na magkakalayo o watak-watak.  Sumisibol ang bagong pag-asa na tila baga isa na naman itong pagsilang. Naghahatid ito ng ligayang di malirip dulot ng pagdating ng Tagapagligtas. Nagdadala ito ng magandang balita na papawi ng lungkot natin at ng tapat na pangako na hindi tayo nag-iisa.



Siyanga na ang araw na ito ay may magandang panahon - hindi maulan, hindi rin naman maaraw (bagaman may panaka-nakang pag-init ng temperatura). Malamig ang simoy ng hangin kapag nagsimula na ang "ber" months.  Nag-iiba rin ang paligid dahil sadyang parang kay sigla ng lahat. Siyempre, hindi mawawala ang makukulay na parol na iba't iba ang laki at pigura, magagarbong dekorasyon at kumukutikutitap, sumasayaw-sayaw na mga Christmas Lights. Pero ang pinakahigit na dahilan sa lahat bakit "for adults also" ang Pasko ay dahil birthday 'to - isang bonggang-bonggang birthday ng pinakasikat na baby sa buong universe - si Emmanuel.  Ikaw ba naman magkaron ng sanlaksang anghel bilang choir!  At oo, Emmanuel , ibig sabihin ay "God is with us".  Dahil kasama natin Siya.



Talagang ang Pasko ay hindi lang for kids but for kids at heart din .  Nag-iiba lang ang nagiging prayoridad at/o pananaw natin dahil hindi lamang ang ating mga mata ang binubusog natin kundi maging ang ating puso at kaluluwa din. Hindi na natin basta tinitingnan ang mga bagay tulad ng regalo mula sa ating mga ninong at ninang kundi sa mas malaki at mas mahal na regalo na nagbuhat sa pinaniniwalaan nating Maykapal - ang Emmanuel. Ito talaga ang pinanggagalingan ng ating saya at siyang nagiging dahilan kung bakit tayo dapat maligaya kapag Pasko.  Ito ang nag-iisang napakalaking dahilan kung bakit pang-adults din, pa rin, ang Pasko.

Sana, pinagpanibago rin nito ang pananaw mo.

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading and for your comment! I appreciate it. Be blessed!