Okay lang maging single 'pag Valentine’s Day :)


Images courtesy of DailyClipArt.net



Kahit na nagbibiruan ang mga lalaki na lilindol daw sa February 14 o kahit na nag-uusap na ang mga girls kung anong gift ang inaasahan nila tulad ng red roses, chocolates, cards, perfumes, bags, dinner o kung anu-ano pa, okay lang maging single kapag Valentine.

Kahit na nag-uusap na ang mga tao sa paligid mo kung sino ang date nila o kung gwapo ba o maganda o kung sexy o hot ba, okay pa rin maging single kapag Valentine.

Kahit na malaman pa nila na wala silang pera pang-date at kailangan pa nilang dumiskarte kay mudra at erpat para mabigyan lang sila ng panggastos, okay pa rin maging single kapag Valentine.
Kahit na malaman mo pa na ang date nila ay sa Baywalk, na hihintayin nila ang paglubog ng araw para maranasan nila ang romantic sunset in Manila, okay pa rin maging single kapag Valentine.

Kahit na umaantak na ang puso mo dahil parang mag-isa ka sa sulok at ang tingin nila sa'yo ay isang sinumpang nilalang, okay pa rin maging single kapag Valentine.

Kung pampalubag man ng loob 'tong sasabihin ko o nagsusumigaw na katotohanan, ang pagiging single ay hindi isang sakit na dapat katakutan.  Hindi ka dapat malungkot dahil lang wala kang date at lalong hindi ka dapat mag-isip na ito ay isang sumpa.  Dahil, marami pa rin ang pwedeng gawin.

Sinubukan mo na bang magbilang mula 1 to 1 million?  Mukhang hindi pa, tama ba?  Pwede mong gawin 'yon sa February 14 mismo.  Tingnan ko lang kung hindi maubos ang maghapon mo sa pagbibilang. 

Sinubukan mo na bang bigyan ng Valentine cards ang mga ex mo?  Naks, "mga ex" talaga!  Isipin mo na lang, ang dami na rin palang nagdaan sa buhay mo, hindi ka talunan! 

Kung ayaw mong gumawa ng Valentine cards para sa mga ex mo, subukan mong gumawa para sa mga hindi mo ka-close o para sa mga kaaway mo.  Anong malay natin... 

E ang mga magulang, mga kapatid at mga pinsan mo, naalala mo ba?  Isang simpleng text lang ang katapat nila, tama?  Sigurado ako na may natitira pang creativity, arts at humor sa utak mo para makabuo ka ng isang makapagbagbag-damdaming message para sa kanila.

O di kaya, kung marunong kang mag-drawing o mag-sketch, pwede ka sigurong gumawa ng caricature ng sariling mong mukha...'yong may luha para ma-touch sila.

O baka naman may tanim na Santan o Gumamela sa bakuran niyo na pwede mong pitasin para ibigay sa mommy mo, ate mo, tita mo at girl friend mo.  Magpaalam ka lang dahil baka sa halip na yakap at halik ang makuha mo e maging bukol.  Pwede rin sigurong bulaklak ng kangkong, dami 'non!

Seriously, okay lang maging single 'pag Valentine.  Pwede pa ring maging masaya kahit walang date, kahit walang bf/gf.  Pwede pa ring gumawa ng paraan para maging makabuluhan ang Valentine's Day kahit nasa malayo si mister o si misis.  Nasa pananaw lang 'yan e.  Think positive 'ika nga.

At kung lumampas na ang Valentine's Day at single ka pa rin, okay lang 'yan.  Ayon nga sa kasabihan nating mga Pilipino, "habang may buhay, may pag-asa".  Basta habang naghihintay, may ginagawang makabuluhan; dahil ang buhay natin ay hindi lamang umiikot sa romance at love for the opposite sex.  Kapag nakita ka na o kapag nakita mo na ang katapat mo 'ika nga, at least alam niyo pareho na nag-enjoy kayo sa buhay na ito.

Advance Happy Valentine's Day!!! ;)


JoanRB © 2011


*

Comments

  1. sinubukan kong bigyan ng valentines card yung isang ex ko dati.. muntik na kaming magsuntukan nung bf niya.. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha...bakit mo kasi binigyan eh may bf na pala? Ikaw talaga...:D

      Delete

Post a Comment

Thank you for reading and for your comment! I appreciate it. Be blessed!

Popular posts from this blog

Popular Jeepney Sayings

Etiquette in a Jeepney

Single Blessedness